Madali lang mag-move on

Tama ka, David. Mahirap ngang mag-move on. Sa rami na ng ginawa ko, inatupag, inaatupag, at aatupagin ko, ang rami ko pa ring hindi makalimutan. Ang rami ko pa ring binabalik-balikan – gustuhin ko man o hindi.

Tama ka, at isa ako sa mga taong ang hirap humarap sa ngayon at bukas. Palagi akong nakatalikod, tinitingnan ang nakaraan. Nakatira ako sa nakaraan.

Tama ka, ngunit kailangan kong sabihin sa’yong madali lang para makumbinsi ko sarili ko na kaya ko ‘to at oo, madali lang siya. Kailangan ko sabihin ang mga katagang iyon para marinig ng kalawakan at sana ay makarating sa puso, isipan, at kaluluwa kong durog. Oo, kasinungalingan, pero ito ang unang hakbang ko para mag-move on. At baka lang naman, balang araw, magiging totoo nga ang sinabi ko.

Hinihintay ko pa rin ang araw na iyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s